Wednesday, February 23, 2011

Dreaming of my Own...

Eto na naman ako. Na-adik na naman ako sa pag browse at panonood ng Wedding SDEs.
Hindi ko alam kung anong meron sa kasal pero talagang hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi maiyak or maluha. Makapanood pa lang ng mga kinakasal, naiiyak na ko, what more pa pag ako na?!

I started to to imagine my own wedding.
Ang daming ideas.
Ang dami kong gustong gawin at mangyari.

Ang isang malaking tanong,
KELAN BA YAN?
Well, guys, kahit ako, hindi ko din alam kung kelan.

May mga times na gusto ko na.
Meron din naman na parang natatakot ako.
Pero iba kasing talaga pag mahal mo yung gusto mong pakasalan.
Parang kahit anong mangyari, sige na lang.
Yung tipong, bahala na! Bahala na si Bestfriend.

Anyway, ang alam ko lang, kelangan namin mag-ipon.
Kelangan namin maging ready.
Hindi na ko mag-aalinlangan pa.
No more second thoughts.
Wala na yung mga tanong na "paano kung???"
Erase, erase na!

Well, ang alam ko lang, masaya ako.
Ang alam ko lang, masaya kami.
Dun pa lang, kuntento na ako.
Alam ko nang SYA na.
I don't know how, I just knew it.

24th december 2010 @ sm mall of asia
7th year anniversary celebration

Thursday, February 17, 2011

My lovely pair.

It started since I was in University.
I love to collect high heeled ones.
Here's an example.

The Lovely pair is from MENDREZ.

The story behind this pair is funny.

January 31.
Last day ng payment namin for Metrobank credit card.
Naghabol kami ng bayad ni Mhinel sa  Metrobank na malapit sa amin.
Hindi kami nakaabot dahil hanggang 3pm lang pala. Grabe naman sa kaaga ang pagsasara ng bangkong yun!
So, pumunta ako sa SM mag-isa.
Nagkita kami ng kuya ko sa SM North Edsa para kunin ko sana yung whole payment nya.
It happened na hindi pa pala sya ready sa pambayad nya.
Nagalit ako. Halos magwala ako (ganyan kasi ako pag galit).
Sa huli, binigay ko sa kanya pati pambayad ko dahil nangako syang ihahabol sa araw ding yon.
Umuwi na ko. Super pagod ang pakiramdam at  latang lata.
Naglalakad na ko sa loob ng mall papunta sa terminal ng jeep ng mapadaan ako sa stall ng Mendrez. Tumaginting kaagad ang mata ko dahil nakita ko ang isang malaking karatula na SALE! 50% Off!
Hindi na ko nagpatumpik tumpik pa. Pumasok ako at nakiusyoso.
Tiningnan ko lahat ng sapatos na naka sale. Kinuhaan ko pa ng litrato kasi naisip ko na i-share ang good news kay Mhinel na isa ring shoe addict.

Pag uwi, bumungad kaagad si Mhinel na, "Oh, kamusta yung lakad mo? Naibayad ba?"
Sumama na naman ang mood ko. Chika ako kay Mhinel.
Nang biglang maalala ko yung mga sapatos.
Excited akong pinakita sa kanya ang mga natagpuan kong pwedeng isama sa koleksyon (hihihi).
Aba! Ang abnoy, nagustuhan din. Nag tantrums pa! Gusto daw nyang bilhin. Eh wala naman kaming anda that time. As in broke kami. Pero dahil kilala naman ako ng mga kaibigan ko na gumagawa ng paraan basta gusto ko, naisipan kong ialok kay mhinel ung natitirang laman ng atm ko.
Patay na! Kumagat sya. Kawawang atm.
It was a closed deal between Mhinel and my atm. Bow.

February 1.
Hinintay ako ng luka-luka. Excited pa sa may birthday.
Parang gusto ng liparin ang SM North. Nag-aalala baka wala na daw yung pair.
Well, ako din naman nag-aalala. Hindi ko lang pinapahalata.
Nag MRT na kami para mabilis. Pagbaba ng MRT, sa Trinoma na kami dumaan.
Itong si Mhinel, pinaikot ikot ako. Hindi na rin nya matandaan yung daan na papunta sa North.
Jusko! Nalintikan na. Sa kakaikot, naalala din nya.

Nakarating na kami ng SM.
Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa. Dumeretso na kaagad kami sa Mendrez.
Nagpaikit ikot kaming dalawa na parang mga baliw. Baliw sa kaligayahan dahil hindi namin alam kung alin ang bibilhin. Lahat ng sapatos, magaganda! Kung milyonarya lang kami, malamang, simot ang Mendrez.
Eh kaso, pasensya na. Hamak lang kaming purita. (lol) Isa lang ang kaya naming bilhin. 50% off pa nga eh!

Nakabili na kami ni Mhinel. Black sa kanya, brown sakin.
Nung una, gusto ko din ng black. Ito namang Mhinel na to, well maganda yung sinabi nya, may tama sya, na ibang kulay na lang daw sakin. Pwede naman daw kaming maghiraman or magpalitan. May tama sya! 
Lumabas kami ng Mendrez na ang lalaki ng ngiti.

Pauwi na kami, nakita namin si Shepoi na pakalat kalat sa SM.
Galing pala sya sa optical shop.
Nakaray namin sya ni Mhinel sa Celine naman.
Oh diba? Hindi kami addict sa sapatos? lol
Ang daming magaganda. Naglalakihan ang mata namin ni Mhinel! Sukat dito, sukat doon.
May panghihinayang dahil mas mapapamura sana kami sa Celine, pero masaya na kami dahil maganda naman talaga yung nabili namin.

Dahil wala na nga kaming pera, nag decide kami na balikan na lang ung Celine shoes na bet namin.
Pagdating sa bahay, super sukat ako. Ang saya!
Kaya ang pramis namin ni mhinel, kahit paminsan minsan, susubukan naming bumili ng sapatos na maganda. ^.^















 
me and mhinel inside the shop.

Tuesday, February 8, 2011

Diet, Diet, Diet, Die!

Since last year, I started to be depressed.
I gained weight (sucks!) I don't know how did it happen. I just enjoyed eating since then.
My girlfriends warned me to take care of my weight and figure because according to them, I will gain a lot of weight if I will continue to do the things that I'm used to which are eating, sleeping, drinking, and smoking.

Right now, I want to kill them. Honestly. I don't know why. I feel like they are some kind of "fortune tellers."
Arrggghhh... Before, I was kinda braggart and bashing them because I only weighed 98 pounds. But now, it's an alarming 115 lbs! More to go, and I can fight Pacquiao! (lol)

I now realized I should have listened. Haaayyy, now, all I can do is to be more serious about dieting.
I hope I could do it rightly this time.

And one more thing...
= = => I don't want to see and hear the very famous "I TOLD YOU SO" dance.

Sunday, February 6, 2011

End of Petiks Mode

Tapos na ang bakasyon ko.
Parang wala ring nangyaring bakasyon.
Sa limang araw na dapat sana ay pahinga, trabaho parin ang inatupag ko; namin.
Sabagay, para din naman sa ikabubuti namin ito.

Makatakas na sa mundong ayaw na namin.
Magawa ang mga bagay na walang hihindi.
Hawak ang oras at walang sisikil.

Sa loob ng limang araw, namiss ko ang mga estudyante ko.
Hindi ko na nga sila halos tinuturing na estudyante.
Para na silang mga kamag-anak ko.
Pamangkin, pinsan, ate, kuya.
Ang kaibahan lang, ang tawag nila sa akin, "teacher"
Sinasabihan ko sila na wag na akong tawaging ganun dahil feeling ko tumatanda ako, pero dahil likas na yata sa kanila ang kagalangan, wala akong magawa.
Pag naiisip kong malapit na akong umalis,
malapit na akong magpaalam,
parang ayoko.
Pero alam kong kelangan kong mag move on.

Going back, sa loob ng limang araw, marami din naman na-achieve.
DTI, Hanap pwesto sa Antipolo, at sa iba pang lugar.
Nag decide kami na mag focus na lang muna sa Mandaluyong tutal stable na doon.
Hindi na masyadong mahihirapan.
Humanap kami ng pwesto.
Hala! Lakad dito, lakad dun.
Drive dito, drive dun.
Kahit masakit na ang paa ko, hindi ako pwedeng magreklamo.
Baka sakalin ako ni jayr.

Kelan kaya ako magkakaroon ng araw na walang gigising sakin at magsasabing,
"Bangon na! Papasok ka na!"
Kelan kaya... Kelan kaya...
Sa palagay ko, pangarap na lang yun.
Unless tatanggapin kong PAL ako.
Miss ko na agad ang kama ko.
Tulog, tulog!
Sigaw ng katawan ko.

Tuesday, February 1, 2011

Bakasyon.

'Pag may pasok, antok na antok ako.
Parang ayoko nang bumangon.
Gusto ko na lang mahiga maghapon at matulog.

Pero bakit ganon?
Ngayong wala akong pasok, ang aga ko pa rin nagising!
Lintik na...
Alas siyete pa lng, gising na ko..
Tsk tsk tsk...

Muntik pa akong gisingin ni Karla nang napakaaga.
Kinabahan daw sya bakit 5am na, nakahiga pa ako.
Buti na lang, naalala kagad nya na wala akong pasok ngayon.
Kung nagkataong nagising nya ako,
ano kaya gagawin ko sa kanya?

Dahil wala akong magawa, 
nanood na lng ako ng Korean drama na dinownload ko sa office.
1% of Anything
I know, medyo old school na yung drama
still, nag effort ako na idownload lahat ng episodes.

After manood ng Korean drama,
naisipan ko namang mag foot spa.
Hala sige!
Kuskos dito, kuskos dyan.
Sumasakit na ang likod ko.
 Pagkatapos mag foot spa, hindi pa rin nakuntento.
Tutal naman wala akong hinahabol na oras
naisipan kong mag pedicure.
Kelangan maganda yung kyutiks ko! (kyutiks??!)
Kelangan bumagay sa sandals ko (hehehe!)
Magkikita kami ni mhinel sa office
Sya uuwi sa quezon...
Ako, pupunta sa faura...

As of this writing, okay naman ang araw ko, medyo productive naman.
Nag-eenjoy...
Pero ngayon ko nararamdaman ang A-N-T-O-K.
zzzZZZzzzZZZzzzzZZZZzzzzz...