Thursday, February 17, 2011

My lovely pair.

It started since I was in University.
I love to collect high heeled ones.
Here's an example.

The Lovely pair is from MENDREZ.

The story behind this pair is funny.

January 31.
Last day ng payment namin for Metrobank credit card.
Naghabol kami ng bayad ni Mhinel sa  Metrobank na malapit sa amin.
Hindi kami nakaabot dahil hanggang 3pm lang pala. Grabe naman sa kaaga ang pagsasara ng bangkong yun!
So, pumunta ako sa SM mag-isa.
Nagkita kami ng kuya ko sa SM North Edsa para kunin ko sana yung whole payment nya.
It happened na hindi pa pala sya ready sa pambayad nya.
Nagalit ako. Halos magwala ako (ganyan kasi ako pag galit).
Sa huli, binigay ko sa kanya pati pambayad ko dahil nangako syang ihahabol sa araw ding yon.
Umuwi na ko. Super pagod ang pakiramdam at  latang lata.
Naglalakad na ko sa loob ng mall papunta sa terminal ng jeep ng mapadaan ako sa stall ng Mendrez. Tumaginting kaagad ang mata ko dahil nakita ko ang isang malaking karatula na SALE! 50% Off!
Hindi na ko nagpatumpik tumpik pa. Pumasok ako at nakiusyoso.
Tiningnan ko lahat ng sapatos na naka sale. Kinuhaan ko pa ng litrato kasi naisip ko na i-share ang good news kay Mhinel na isa ring shoe addict.

Pag uwi, bumungad kaagad si Mhinel na, "Oh, kamusta yung lakad mo? Naibayad ba?"
Sumama na naman ang mood ko. Chika ako kay Mhinel.
Nang biglang maalala ko yung mga sapatos.
Excited akong pinakita sa kanya ang mga natagpuan kong pwedeng isama sa koleksyon (hihihi).
Aba! Ang abnoy, nagustuhan din. Nag tantrums pa! Gusto daw nyang bilhin. Eh wala naman kaming anda that time. As in broke kami. Pero dahil kilala naman ako ng mga kaibigan ko na gumagawa ng paraan basta gusto ko, naisipan kong ialok kay mhinel ung natitirang laman ng atm ko.
Patay na! Kumagat sya. Kawawang atm.
It was a closed deal between Mhinel and my atm. Bow.

February 1.
Hinintay ako ng luka-luka. Excited pa sa may birthday.
Parang gusto ng liparin ang SM North. Nag-aalala baka wala na daw yung pair.
Well, ako din naman nag-aalala. Hindi ko lang pinapahalata.
Nag MRT na kami para mabilis. Pagbaba ng MRT, sa Trinoma na kami dumaan.
Itong si Mhinel, pinaikot ikot ako. Hindi na rin nya matandaan yung daan na papunta sa North.
Jusko! Nalintikan na. Sa kakaikot, naalala din nya.

Nakarating na kami ng SM.
Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa. Dumeretso na kaagad kami sa Mendrez.
Nagpaikit ikot kaming dalawa na parang mga baliw. Baliw sa kaligayahan dahil hindi namin alam kung alin ang bibilhin. Lahat ng sapatos, magaganda! Kung milyonarya lang kami, malamang, simot ang Mendrez.
Eh kaso, pasensya na. Hamak lang kaming purita. (lol) Isa lang ang kaya naming bilhin. 50% off pa nga eh!

Nakabili na kami ni Mhinel. Black sa kanya, brown sakin.
Nung una, gusto ko din ng black. Ito namang Mhinel na to, well maganda yung sinabi nya, may tama sya, na ibang kulay na lang daw sakin. Pwede naman daw kaming maghiraman or magpalitan. May tama sya! 
Lumabas kami ng Mendrez na ang lalaki ng ngiti.

Pauwi na kami, nakita namin si Shepoi na pakalat kalat sa SM.
Galing pala sya sa optical shop.
Nakaray namin sya ni Mhinel sa Celine naman.
Oh diba? Hindi kami addict sa sapatos? lol
Ang daming magaganda. Naglalakihan ang mata namin ni Mhinel! Sukat dito, sukat doon.
May panghihinayang dahil mas mapapamura sana kami sa Celine, pero masaya na kami dahil maganda naman talaga yung nabili namin.

Dahil wala na nga kaming pera, nag decide kami na balikan na lang ung Celine shoes na bet namin.
Pagdating sa bahay, super sukat ako. Ang saya!
Kaya ang pramis namin ni mhinel, kahit paminsan minsan, susubukan naming bumili ng sapatos na maganda. ^.^















 
me and mhinel inside the shop.

No comments:

Post a Comment