Tapos na ang bakasyon ko.
Parang wala ring nangyaring bakasyon.
Sa limang araw na dapat sana ay pahinga, trabaho parin ang inatupag ko; namin.
Sabagay, para din naman sa ikabubuti namin ito.
Makatakas na sa mundong ayaw na namin.
Magawa ang mga bagay na walang hihindi.
Hawak ang oras at walang sisikil.
Sa loob ng limang araw, namiss ko ang mga estudyante ko.
Hindi ko na nga sila halos tinuturing na estudyante.
Para na silang mga kamag-anak ko.
Pamangkin, pinsan, ate, kuya.
Ang kaibahan lang, ang tawag nila sa akin, "teacher"
Sinasabihan ko sila na wag na akong tawaging ganun dahil feeling ko tumatanda ako, pero dahil likas na yata sa kanila ang kagalangan, wala akong magawa.
Pag naiisip kong malapit na akong umalis,
malapit na akong magpaalam,
parang ayoko.
Pero alam kong kelangan kong mag move on.
Going back, sa loob ng limang araw, marami din naman na-achieve.
DTI, Hanap pwesto sa Antipolo, at sa iba pang lugar.
Nag decide kami na mag focus na lang muna sa Mandaluyong tutal stable na doon.
Hindi na masyadong mahihirapan.
Humanap kami ng pwesto.
Hala! Lakad dito, lakad dun.
Drive dito, drive dun.
Kahit masakit na ang paa ko, hindi ako pwedeng magreklamo.
Baka sakalin ako ni jayr.
Kelan kaya ako magkakaroon ng araw na walang gigising sakin at magsasabing,
"Bangon na! Papasok ka na!"
Kelan kaya... Kelan kaya...
Sa palagay ko, pangarap na lang yun.
Unless tatanggapin kong PAL ako.
Miss ko na agad ang kama ko.
Tulog, tulog!
Sigaw ng katawan ko.
sabagay...bow^^
ReplyDeletehahahah! tomo!!!
ReplyDeletesaba... gay... lolz