Sunday, April 3, 2011

Martsa Kapatid!

"A graduation ceremony is an event where the commencement speaker tells thousands of students dressed in identical caps and gowns that "individuality" is the key to success. "
                    ~Robert Orben


Ayan na! Abril na naman. At Ang ibig sabihin nito ay panahon na naman ng pagibili ng gown, dress, tuxedo, polo, barong at iba pa para sa pinaka-aabangang graduation.
Sa akin, hindi na importante ang pag-akyat sa entablado at pagtanggap ng isang blankong papel. Tama na yung alam mo sa sarili mong tapos ka na. Hindi mo na ulit makikita yung mga professor na nagpahirap sayo na halos isumpa mo.  Hindi mo na rin makakasalamuha yung mga kaklase mo na hindi mo talaga gusto magmula nung umpisa pa lang. At, hindi mo na rin makikita yung mga gwardya na lagi mong nakakabangga!

Kaya lang, pag naiisip mo naman yung mga magulang mo, na pinangarap umakyat sa entablado, kumaway sa mga kasamang kakilala na pinagmamalaki ka na nakatapos ng pag-aaral, kumamay sa mga tao na nasa taas ng entablado, parang ang sakit isipin na hindi mo man lang maibigay sa kanila yung simpleng bagay na yun.

Sabi ko nga sa itaas, hindi naman na sana importante yun para sa AKIN. Pero kung para sa magulang ko, isang napakalaking bagay nun. Malungkot nga lang kasi hindi man lang makakauwi ang tatay ko. Na syang nagpakahirap, nagbabad sa ilalim ng araw sa ibang bansa para may maipadala sa amin pantustos sa pag-aaral ko. Pero, ganyan talaga ang buhay. Marami pa namang importanteng bagay na mangyayari na sana naman, makasama ko na ang tatay ko. (Ayan, nagda-drama na tuloy ako!)

Salamat sa aking kaibigan na si Khenny Lynn Mesina. Nagtext isang araw at sinasabing ayusin ko na daw lahat ng dapat ayusin para magkasama kaming mag-martsa. Kung iisipin, magkasama kaming nag-martsa noong high school. Magkasama din kaming nakipagbaka noong nakaraang taon para lang sa wala. Pero ngayon, magsusuot na kami ng toga. Magkasama pa rin kami. Isang tunay na kaibigan na pinatibay ng panahon at mga pagkakataon. Maraming salamat sayo Khen. 

Nanalangin kasi ako kay Bestfriend. Sabi ko kung gusto nya akong pagmartsahin, sya na ang gumawa ng paraan. Susunod ako at gagawin ko ang lahat masunod lang ang gusto nya. At para sa akin, binigay nya talaga yung pagkakataong yun noong nagtext si Khenny sa akin. Kaya eto ako, hanggang ngayon, tinatapos ko yung clearance ko. At malapit na sa katotohanan dahil apat na pirma na lang, tapos na.
Nagpapasalamat din ako kay Ate Tina sa registrar ng school na super supportive.

Magsusuot na ko ng toga sa wakas! May bago na namang litratong isasama sa koleksyon. At sa pagkakataong ito, itim na toga naman. Katumbas ng pagpapakahirap ng mga magulang ko. Katumbas ng pagsisikap ko.

Sa lahat ng mga humadlang, maraming salamat dahil pinatigas nyo lang lalo ako.  Para sa akin, bato na kong hindi madaling tibagin.
Sa mga professors na sumuporta, maraming salamat!
Sa mga kamag-aral na naging kaibigan, at hanggang ngayon ay kaibigan, maraming salamat!

Sa mga magulang ko, sa kapatid ko, isang malaking SALAMAT! Hindi ko alam kung pano tutumbasan ang lahat ng pang-unawa na binigay nyo.
Sa aking si Jayr, salamat sa suporta at sa tulong! 

At kay Bestfriend na ready laging makinig sakin, kulang ang lahat ng salita.
MARAMING SALAMAT!


graduation picture last year, 2010

Wag Kang Mag-Panic!

February 12, 2011, isang malungkot na araw para sa pamilya Alaman.
Nagdalamhati sa pagkawala ng isa sa kanilang kapatid.
Pero ika nga, hindi naman dapat puro lungkot na lang. Kailangan din naman  ngumiti. 
Dahil alam kong malungkot si Jayr, umisip ako ng paraan para mapangiti sya.
Nagpaturo ako mag drive... Yes! Mag drive.





Ang unang drive ko ay sa Loyola Cemetery sa Marikina. O diba? And ganda ng lugar? Nice venue for a starter like me. Walang magagalit kung makabunggo man ako, mumultuhin lang ako. Hehe! Or kung may mangyayaring di maganda, deretso hulog na! lols
It was a fun time, I enjoyed it. Naikot namin ang buong Loyola. Nakakatawa si Jayr magturo. Grabe kung makakapit at talagang nag seatbelt pa ang loko! Walang katiwa-tiwala sa driving skills ko. Minsan di nya mapigilang mapasigaw pag hindi ko kagad nage gets yung tinuturo nya. In short, masyado syang nerbyoso ;) hihih

Natuto naman ako at talaga namang nag-enjoy ako. Marunong na kong magliko, mag atras, at hindi ako nakabunggo ng kahit isang nitso! lols
Huling ikot na lang namin nang isang guard ang lumapit. Pambasag trip kumbaga.
Manong guard: Ma'am, Sir, bawal po magpraktis dito.
Jayr: Ah, ganun po ba? Sorry Manong. Thanks.
Ako: (Kay Jayr) Pano nalaman ni Manong na nagpa-praktis tayo?
Jayr: Paikot-ikot kaya tayo kanina pa! Obvious kaya.
Ako: Ah, ganun ba. Sorry naman!

At the end of the day, natuto ako. Hehe
Yes! Pwede na makipagsabayan sa EDSA! lols
Ang sarap pala ng feeling na nasa harap ka ng manibela. Parang ikaw ang may-ari ng daan! 
Parang lahat sila tumatabi para padaanin ka.
Well, dahil naka "hazard" kami. So it means, wala talaga silang choice kundi tumabi at pagbigyan ako. 
Nai-imagine ko na ang sarili ko na nagda-drive sa totoong kalsada. Sana lang wag atakihin ng pagiging nerbyosa at mainitin ng  ulo.
Hindi naman siguro magkakatotoo yung pangitain ng mga "nega" friends ko na machu-chugi ako sa pagmamaneho dahil it's eather mabaril ako dahil nakipagsagutan ako sa kapwa motorista, o mabangga ako.
Wag naman sana! Sayang ang ganda! Chos! lols