"A graduation ceremony is an event where the commencement speaker tells thousands of students dressed in identical caps and gowns that "individuality" is the key to success. "
~Robert Orben
Ayan na! Abril na naman. At Ang ibig sabihin nito ay panahon na naman ng pagibili ng gown, dress, tuxedo, polo, barong at iba pa para sa pinaka-aabangang graduation.
Sa akin, hindi na importante ang pag-akyat sa entablado at pagtanggap ng isang blankong papel. Tama na yung alam mo sa sarili mong tapos ka na. Hindi mo na ulit makikita yung mga professor na nagpahirap sayo na halos isumpa mo. Hindi mo na rin makakasalamuha yung mga kaklase mo na hindi mo talaga gusto magmula nung umpisa pa lang. At, hindi mo na rin makikita yung mga gwardya na lagi mong nakakabangga!
Kaya lang, pag naiisip mo naman yung mga magulang mo, na pinangarap umakyat sa entablado, kumaway sa mga kasamang kakilala na pinagmamalaki ka na nakatapos ng pag-aaral, kumamay sa mga tao na nasa taas ng entablado, parang ang sakit isipin na hindi mo man lang maibigay sa kanila yung simpleng bagay na yun.
Sabi ko nga sa itaas, hindi naman na sana importante yun para sa AKIN. Pero kung para sa magulang ko, isang napakalaking bagay nun. Malungkot nga lang kasi hindi man lang makakauwi ang tatay ko. Na syang nagpakahirap, nagbabad sa ilalim ng araw sa ibang bansa para may maipadala sa amin pantustos sa pag-aaral ko. Pero, ganyan talaga ang buhay. Marami pa namang importanteng bagay na mangyayari na sana naman, makasama ko na ang tatay ko. (Ayan, nagda-drama na tuloy ako!)
Salamat sa aking kaibigan na si Khenny Lynn Mesina. Nagtext isang araw at sinasabing ayusin ko na daw lahat ng dapat ayusin para magkasama kaming mag-martsa. Kung iisipin, magkasama kaming nag-martsa noong high school. Magkasama din kaming nakipagbaka noong nakaraang taon para lang sa wala. Pero ngayon, magsusuot na kami ng toga. Magkasama pa rin kami. Isang tunay na kaibigan na pinatibay ng panahon at mga pagkakataon. Maraming salamat sayo Khen.
Nanalangin kasi ako kay Bestfriend. Sabi ko kung gusto nya akong pagmartsahin, sya na ang gumawa ng paraan. Susunod ako at gagawin ko ang lahat masunod lang ang gusto nya. At para sa akin, binigay nya talaga yung pagkakataong yun noong nagtext si Khenny sa akin. Kaya eto ako, hanggang ngayon, tinatapos ko yung clearance ko. At malapit na sa katotohanan dahil apat na pirma na lang, tapos na.
Nagpapasalamat din ako kay Ate Tina sa registrar ng school na super supportive.
Magsusuot na ko ng toga sa wakas! May bago na namang litratong isasama sa koleksyon. At sa pagkakataong ito, itim na toga naman. Katumbas ng pagpapakahirap ng mga magulang ko. Katumbas ng pagsisikap ko.
Sa lahat ng mga humadlang, maraming salamat dahil pinatigas nyo lang lalo ako. Para sa akin, bato na kong hindi madaling tibagin.
Sa mga professors na sumuporta, maraming salamat!
Sa mga kamag-aral na naging kaibigan, at hanggang ngayon ay kaibigan, maraming salamat!
Sa mga magulang ko, sa kapatid ko, isang malaking SALAMAT! Hindi ko alam kung pano tutumbasan ang lahat ng pang-unawa na binigay nyo.
Sa aking si Jayr, salamat sa suporta at sa tulong!
At kay Bestfriend na ready laging makinig sakin, kulang ang lahat ng salita.
MARAMING SALAMAT!
graduation picture last year, 2010
ayeee! parang speech lang ng magna cumlaude ah! ahahahaha
ReplyDeletehappy for you Tin!
natapos din ang isang yugto ng buhay studynte mo. another step to climb take care and God bless you, may the LOrd grant you more success in life.
ReplyDelete@elpidiogarimbao: thanks ^.^
ReplyDelete