February 12, 2011, isang malungkot na araw para sa pamilya Alaman.
Nagdalamhati sa pagkawala ng isa sa kanilang kapatid.
Pero ika nga, hindi naman dapat puro lungkot na lang. Kailangan din naman ngumiti.
Dahil alam kong malungkot si Jayr, umisip ako ng paraan para mapangiti sya.
Nagpaturo ako mag drive... Yes! Mag drive.
Ang unang drive ko ay sa Loyola Cemetery sa Marikina. O diba? And ganda ng lugar? Nice venue for a starter like me. Walang magagalit kung makabunggo man ako, mumultuhin lang ako. Hehe! Or kung may mangyayaring di maganda, deretso hulog na! lols
It was a fun time, I enjoyed it. Naikot namin ang buong Loyola. Nakakatawa si Jayr magturo. Grabe kung makakapit at talagang nag seatbelt pa ang loko! Walang katiwa-tiwala sa driving skills ko. Minsan di nya mapigilang mapasigaw pag hindi ko kagad nage gets yung tinuturo nya. In short, masyado syang nerbyoso ;) hihih
Natuto naman ako at talaga namang nag-enjoy ako. Marunong na kong magliko, mag atras, at hindi ako nakabunggo ng kahit isang nitso! lols
Huling ikot na lang namin nang isang guard ang lumapit. Pambasag trip kumbaga.
Manong guard: Ma'am, Sir, bawal po magpraktis dito.
Jayr: Ah, ganun po ba? Sorry Manong. Thanks.
Ako: (Kay Jayr) Pano nalaman ni Manong na nagpa-praktis tayo?
Jayr: Paikot-ikot kaya tayo kanina pa! Obvious kaya.
Ako: Ah, ganun ba. Sorry naman!
At the end of the day, natuto ako. Hehe
Yes! Pwede na makipagsabayan sa EDSA! lols
Ang sarap pala ng feeling na nasa harap ka ng manibela. Parang ikaw ang may-ari ng daan!
Parang lahat sila tumatabi para padaanin ka.
Well, dahil naka "hazard" kami. So it means, wala talaga silang choice kundi tumabi at pagbigyan ako.
Well, dahil naka "hazard" kami. So it means, wala talaga silang choice kundi tumabi at pagbigyan ako.
Nai-imagine ko na ang sarili ko na nagda-drive sa totoong kalsada. Sana lang wag atakihin ng pagiging nerbyosa at mainitin ng ulo.
Hindi naman siguro magkakatotoo yung pangitain ng mga "nega" friends ko na machu-chugi ako sa pagmamaneho dahil it's eather mabaril ako dahil nakipagsagutan ako sa kapwa motorista, o mabangga ako.
Wag naman sana! Sayang ang ganda! Chos! lols
weh? hahaha
ReplyDeletedi ako sasakay ke Kakay pag ikaw driver ^^V