Sumakit ang tyan ko.
As in masakit.
Binalak kong mag under-time
Pero sabi sakin, pag nag under-time daw, mawawala na yung pinaka iingatan kong PAI
ang PAI na inalagaan ko sa isang buong buwan.
Nag taxi, nagising ng maaga, nakipagpatintero sa Commonwealth makasakay lang sa mabilis na bus...
Tapos dahil sa sakit ng tyan, mawawala na ang lahat ng hirap ko???
Nag decide ako, hindi ako mag-a-under-time!
Magtitiis ako!
Lahat ginawa ko.
Nag lock sa cr para walang magreklamo if ever,
Uminom ng mainit na tubig,
Waepek! Masakit pa rin.
So, bumaba ako sa canteen para bumili ng pagkain.
Naisip ko kasi na baka gutom lang.
Nakita ako ng mga ate sa canteen.
Bakit daw ako namumutla.
Sabi ko naman, "Ganyan talaga 'te 'pag maputi." (nakuha pang magbiro ng lintik!)
Kumirot si "tyan".
Hinawakan ko, minasahe, at pinisil pisil.
Sabi ni ate, "Anong nangyari sa'yo Ma'am? Masakit na naman tyan mo?"
Syempre hindi ko na kelangan magpanggap pa kasi lagi naman akong sinasakitan ng tyan (pero iba this time, pramis!)
So sabi ko, "Opo. Kanina pang umaga."
Sabi ni ate, "Baka naman gutom lang kayo ma'am. Na try nyo na bang mag cr?"
Ako naman, napaisip..."Najejebs ba ako?" (sa isip ko lng)
Sagot ko kay ate, "Opo ate. Pero hindi naman nawala eh."
Ate, "Baka naman Ma'am nausog kayo."
Aba, aba, aba! Bigla akong kinilabutan...
Lagi ko kasing pambiro yun sa mga kaibigan ko... Carmy Martin, is that you???
What took you so long na dumapo ka sakin ngayon lang?
Eh di napaisip na naman ako...
Pano mangyayari yun?
Si ate ulit, "Sino ba ma'am una mong nakita kaninang umaga?"
Sagot ko, "Yung mga kasakay ko sa jeep at sa bus."
Sagot ko, "Yung mga kasakay ko sa jeep at sa bus."
Hindi ko alam kung pabiro yung pagkakasabi ko kasi tumawa si ate.
Si ate ulit, "Yung una nyong nakausap o naka-encounter?"
Ako naman, si isip...
MGA NAKAUSAP KO NOONG UMAGA:
1. Adelnica Amor Reyes Izon
- Patay ka Amor! Isa ka sa suspek...
Ginising ako ni Amor kc pinatay ko lang ung alarm ko. Nag prepare ako pagpasok at nagpaalam ako sa kanya. Sabi pa nga nya, "Ingat ka."
Ayun na Amor! Paktay!
2. Yung lalaking nag-abot ng bayad ko sa jeep.
- Kawawa naman si kuya. Nagmagandang loob na nga lang, naging suspek pa.
Pero ganyan talaga ang buhay. Sorry kuya! (with matching sweet smile)
3. Si manong inspektor ng bus.
- Si manong na atat mag check. Nakita na nga nyang kasasakay ko lang, hinahanapan na kagad ako ng ticket. Eh di sinabi ko, wala pa akong ticket dahil kasasakay ko lang. Ayun! Nagkausap nga kami. Sorry ka manong... Dahil sa pagiging atat mo, suspek ka ngayon sa salang pang-uusog!
4. Si manong kundoktor.
- Actually, hindi naman kami halos nagkaharapan ni manong. Kasi nung inabot ko ung bayad ko sa kanya, hindi sya nakatingin. Nakatingin sya sa ticket. Pero sabi nga ni Ate Gem "naka-encounter", kasali sya.
5. Si manong magtataho sa Buendia.
- Lagi kong nadadaan si manong taho. Dati nga, lagi akong bumubili. Kanina, napabili ako.
Kasi hindi naman ako kumain kagabi. Kaya gutom ako.
So, bili. 10 pesos. Medyo mahal. Pero okay lang. Nag request pa ko ng dagdag arnibal.
...Habang naglalakad pa-ofis, iniinom ko na ang taho ko.
Pagkatapos kong uminom, pumasok na ko sa building.
Pag-akyat sa taas, nakaramdam na ko ng sakit ng tyan.
Feeling ko naman nung una, nainitan lang yung sikmura ko.
Aba! Hindi na ko sanay sa pagkain. (lol)
Ayan ang kasaysayan... Alin kaya at sino ang may sala?
Balik tayo sa pagtitiis ko ngayon sa office.
Kanina ko pang umaga binabalak magsulat. Ang dami kong naiisip, hindi ko namam mabuo.
Kundi pa sasakit ang tyan, di ko pa magagawa 'to.
Ngayon, medyo okay na ang kalagayan ng tyanabels ko.
Kumikirot kirot na lang.
Ang gamot...
Chanan!!!
Aceiti de Manzanilla ni Ate Ann!
Epektib! Garantisado.
Salamat sa'yo Ate Ann na pinanganak yatang girl scout.
...Ngayon, iniisip ko kung nausog ba talaga ako???
O baka naman kinabag lang...
Jusko ha! Lagi na lang.
Napapansin ko medyo paborito ako ni kabag these days ha!
O ayan tapos na tong blog ko.
Ewan ko kung blog ba 'to o ginawa ko lang to para maaliw at mawala sa isip ang sakit ng tyan.
Basta. Okay na ko. Okay na. Okay na.
Buo parin ang PAI ko! Yipeeeee!!!!
gamot sa kabag.
aceiti de manzanilla
hindi ako ang me kasalanan!
ReplyDeleteyung TAHO ang me sala!
LOLz
hahaha!
ReplyDeletelam mo nix, kinilabutan ako nung cnabi na nausog ako!
kc ang solusyon dun eh....
eeeiiiwwww!
lols