Monday, January 31, 2011

Nawala ka man, masaya pa rin ako...

Na-late ako ng 9minutes.
Nawala na yung PAI ko.
Sabagay, unang araw naman ng buwan, Pebrero, kaya wala pang effort masyado.

Nung una, natensyon ako.
Kinabahan.
Inisip ko nang bumaba sa bus ng pumatak sa 4:45 ang orasan ko.
Nanghihinayang ako.
Kasi isang buong buwan ang mawawalang saysay.
Nainis ako sa pangyayari.

Bakit ba ang aga aga, trafiic sa Cubao?
Ano bang meron?
Mahirap pa naman bumaba dahil "Cubao Ilalim" ang sinasakyang kong bus.
Anong gagawin ko?

Nag-text na ko kay Helen (manager namin sa office)
Sabi ko, "Male-late po ako. Traffic dito sa Cubao."
Nag-reply naman, "Cge."

Nakita ko sa kanan ng high-way, nakatigil ang mga malalaking truck.
Parang gusto kong magmura.
"GAWIN BA NAMANG PARKING LOT?"
Yang kagad ang nagsusumigaw na statement ko.

Nung nakalampas na kami, si manong kundoktor at manong driver, mejo binagalan pa yung bus.
Naki syete( usyoso) pa!
Lintik na...

Nung tiningnan ko na yung nangyari, nanghina ako sa nakita ko.
Yung hinabol kong bus sa Tandang Sora, (na hindi ko naabutan) natumba!
Kabanggaan nya ang isang trak ng gasolina.
Kinilabutan ako.
Kung nahabol ko pala yung bus na yun, nandun din sana ako...
Nasaktan, naipit, at naabala.

Nakatulala ako hanggang sa makababa sa Buendia.
Habang naglalakad papuntang office, na-realize ko kung ano yung nangyari.

Kaya kahit na nawala yung PAI ko, masaya na ko.
Hindi ako nasaktan; na-late lang ako.

Bottomline:
Lesson learned:

Napakalaki ng magagawa ng isang maiksing panalangin kay BESTFRIEND!

Salamat kay Bestfriend...

No comments:

Post a Comment