Monday, June 20, 2011

Crazy Friends

Lahat tayo, may mga taong maituturing na kaibigan.
Ako? Marami ako nun. Pero etong grupo na ipapakilala ko sa inyo ngayon ay tlaga namang kakaibang mga tao.
Sa hindi ko mawaring dahilan, nagkasundo-sundo kami kahit na magkakaiba ang mga ugali namin.
Sila ay ang mga sumusunod:

1. Adelnica Amor aka Amor/ Nikki
- Siya yung tipo na ang daming naiisip at once na maisipan nya at kahit alam nyang madalas sa madalas eh kabaliwan, go talaga sya. Hindi sya nauubusan ng mga brilliant ideas, be it sa kalokohan or sa seryosong bagay. Artistic kumbaga. Sya din yung tipong pag nasimulan, kelangan tapusin dahil magkakasamman kayo ng loob. Napakabait na kaibigan, hinding hindi mang iiwan, subok na matibay at matatag PERO wag mo lang sa kanyang sasabihin at ipapamukha na "PINAPLASTIC" mo lang sya, tapos ang pagkakaibigan!
English words to describe our nikki-tots are: Nice, Intelligent, Kind, Keen observer, Influence Peddler! hahahah inshort, incredible manipulator :D
Love you Nikki!



2. Emenilda aka Happy/ Joey
- Syan naman ang aking si "duday". Super lovable at adorable. Nga lang, madalas din sa madalas, pambasag trip. Lahat kayo okay na sa isang bagay, all of a sudden aayaw sya. Pambasag trip nga! Madalas sya ang kasama ko sa kalokohan. Kung saan ko maisipan pumunta, wala na syang magagawa kundi sumama. Kung saan ko gustong kumain, magpapakabusog na din sya. At kung ano ang gusto kong bilhin, sulsul to the max ang lola! Imbes na pigilan ka nya dahil minsan sumosobra ka na, aba sya, sige lang! In the end, magkasama naman kayong magugutom kasi magkasama kayo sa kalokohan so wala syang magagawa kundi samahan din ako sa kagipitan. lols
English words for Happy-tots: Spoiler, KJ, The girl with chinky eyes and killer smile! naks! hahahah



3. Jane Merlyn aka Eem
- Sya naman si Ate Eem. Tahimik, tatawa tawa, ngingiti-ngiti, pero pag bumanat, wagas! Sya yung tipong mahilig magbigay ng trivia na kahit magtutumuwad ka, madalas sa madalas, hindi ko magets! hahahaha! (slow ba ako?) Mahilig din syang mag "poke" sa FB. At may matalas na memory. Lahat ng nakakahiyang pangyayari, naaalala pa nya. Lahat ng nakakainis na naganap, alam nya, at talagang ichi-chika nya sayo para mabanas ka din. Pareho na kayong banas, di ba? Magaling! Magaling! Magaling! 
English title for Eem-tots: The Girl With A Razor Memory! nakanang! hahahah



4. Ana Margarita aka Margy
- Sya naman yung malakas mang trip. Pag naisipan nyang ikaw ang type nyang pag trip-an, iready mo na ang kaluluwa mo. Sa awa naman nya sakin, hindi ko pa naman nararanasan yung matinding trip nya. Madalas, at lagi, si Jotabs ang nakakaranas ng pagiging bully ni Margy. Sya din yung napakaraming alam! Mahihilo ka sa dami ng gusto nya at alam nya. Kaya isa sa mga napag trip-an namin eh ang kasal ng isa naming kaibigan.
English title for Margy: The Bully Gaga
hahahah! peace Margy :p



5. Cherry aka Chai
- Eto, ayoko masyadong mag ispyuk ng tungkol sa kanya. Pero ang alam lang naming lahat, labs na labs namin sya. At willing kaming itakas sya. lols! Well, eto yung tipo ng taong baliw. Ang daming gusto, hindi mawari kung alin ang pipiliin. Hindi ko malilimutang dialogue ng lola eh "Tandaan mo to ___. Wala pang nananalo sa amin!" Winner sa linya! Pang pelikula. Basta pag natapos na ang lahat, i-spyuk ko na. Ipapakita ko sa inyo ang nabuong stage play gamit lamang ang mga makabagbag damdaming mga linya.
English title for Chai: The Tigress Terminator
lololols!


Sunday, April 3, 2011

Martsa Kapatid!

"A graduation ceremony is an event where the commencement speaker tells thousands of students dressed in identical caps and gowns that "individuality" is the key to success. "
                    ~Robert Orben


Ayan na! Abril na naman. At Ang ibig sabihin nito ay panahon na naman ng pagibili ng gown, dress, tuxedo, polo, barong at iba pa para sa pinaka-aabangang graduation.
Sa akin, hindi na importante ang pag-akyat sa entablado at pagtanggap ng isang blankong papel. Tama na yung alam mo sa sarili mong tapos ka na. Hindi mo na ulit makikita yung mga professor na nagpahirap sayo na halos isumpa mo.  Hindi mo na rin makakasalamuha yung mga kaklase mo na hindi mo talaga gusto magmula nung umpisa pa lang. At, hindi mo na rin makikita yung mga gwardya na lagi mong nakakabangga!

Kaya lang, pag naiisip mo naman yung mga magulang mo, na pinangarap umakyat sa entablado, kumaway sa mga kasamang kakilala na pinagmamalaki ka na nakatapos ng pag-aaral, kumamay sa mga tao na nasa taas ng entablado, parang ang sakit isipin na hindi mo man lang maibigay sa kanila yung simpleng bagay na yun.

Sabi ko nga sa itaas, hindi naman na sana importante yun para sa AKIN. Pero kung para sa magulang ko, isang napakalaking bagay nun. Malungkot nga lang kasi hindi man lang makakauwi ang tatay ko. Na syang nagpakahirap, nagbabad sa ilalim ng araw sa ibang bansa para may maipadala sa amin pantustos sa pag-aaral ko. Pero, ganyan talaga ang buhay. Marami pa namang importanteng bagay na mangyayari na sana naman, makasama ko na ang tatay ko. (Ayan, nagda-drama na tuloy ako!)

Salamat sa aking kaibigan na si Khenny Lynn Mesina. Nagtext isang araw at sinasabing ayusin ko na daw lahat ng dapat ayusin para magkasama kaming mag-martsa. Kung iisipin, magkasama kaming nag-martsa noong high school. Magkasama din kaming nakipagbaka noong nakaraang taon para lang sa wala. Pero ngayon, magsusuot na kami ng toga. Magkasama pa rin kami. Isang tunay na kaibigan na pinatibay ng panahon at mga pagkakataon. Maraming salamat sayo Khen. 

Nanalangin kasi ako kay Bestfriend. Sabi ko kung gusto nya akong pagmartsahin, sya na ang gumawa ng paraan. Susunod ako at gagawin ko ang lahat masunod lang ang gusto nya. At para sa akin, binigay nya talaga yung pagkakataong yun noong nagtext si Khenny sa akin. Kaya eto ako, hanggang ngayon, tinatapos ko yung clearance ko. At malapit na sa katotohanan dahil apat na pirma na lang, tapos na.
Nagpapasalamat din ako kay Ate Tina sa registrar ng school na super supportive.

Magsusuot na ko ng toga sa wakas! May bago na namang litratong isasama sa koleksyon. At sa pagkakataong ito, itim na toga naman. Katumbas ng pagpapakahirap ng mga magulang ko. Katumbas ng pagsisikap ko.

Sa lahat ng mga humadlang, maraming salamat dahil pinatigas nyo lang lalo ako.  Para sa akin, bato na kong hindi madaling tibagin.
Sa mga professors na sumuporta, maraming salamat!
Sa mga kamag-aral na naging kaibigan, at hanggang ngayon ay kaibigan, maraming salamat!

Sa mga magulang ko, sa kapatid ko, isang malaking SALAMAT! Hindi ko alam kung pano tutumbasan ang lahat ng pang-unawa na binigay nyo.
Sa aking si Jayr, salamat sa suporta at sa tulong! 

At kay Bestfriend na ready laging makinig sakin, kulang ang lahat ng salita.
MARAMING SALAMAT!


graduation picture last year, 2010

Wag Kang Mag-Panic!

February 12, 2011, isang malungkot na araw para sa pamilya Alaman.
Nagdalamhati sa pagkawala ng isa sa kanilang kapatid.
Pero ika nga, hindi naman dapat puro lungkot na lang. Kailangan din naman  ngumiti. 
Dahil alam kong malungkot si Jayr, umisip ako ng paraan para mapangiti sya.
Nagpaturo ako mag drive... Yes! Mag drive.





Ang unang drive ko ay sa Loyola Cemetery sa Marikina. O diba? And ganda ng lugar? Nice venue for a starter like me. Walang magagalit kung makabunggo man ako, mumultuhin lang ako. Hehe! Or kung may mangyayaring di maganda, deretso hulog na! lols
It was a fun time, I enjoyed it. Naikot namin ang buong Loyola. Nakakatawa si Jayr magturo. Grabe kung makakapit at talagang nag seatbelt pa ang loko! Walang katiwa-tiwala sa driving skills ko. Minsan di nya mapigilang mapasigaw pag hindi ko kagad nage gets yung tinuturo nya. In short, masyado syang nerbyoso ;) hihih

Natuto naman ako at talaga namang nag-enjoy ako. Marunong na kong magliko, mag atras, at hindi ako nakabunggo ng kahit isang nitso! lols
Huling ikot na lang namin nang isang guard ang lumapit. Pambasag trip kumbaga.
Manong guard: Ma'am, Sir, bawal po magpraktis dito.
Jayr: Ah, ganun po ba? Sorry Manong. Thanks.
Ako: (Kay Jayr) Pano nalaman ni Manong na nagpa-praktis tayo?
Jayr: Paikot-ikot kaya tayo kanina pa! Obvious kaya.
Ako: Ah, ganun ba. Sorry naman!

At the end of the day, natuto ako. Hehe
Yes! Pwede na makipagsabayan sa EDSA! lols
Ang sarap pala ng feeling na nasa harap ka ng manibela. Parang ikaw ang may-ari ng daan! 
Parang lahat sila tumatabi para padaanin ka.
Well, dahil naka "hazard" kami. So it means, wala talaga silang choice kundi tumabi at pagbigyan ako. 
Nai-imagine ko na ang sarili ko na nagda-drive sa totoong kalsada. Sana lang wag atakihin ng pagiging nerbyosa at mainitin ng  ulo.
Hindi naman siguro magkakatotoo yung pangitain ng mga "nega" friends ko na machu-chugi ako sa pagmamaneho dahil it's eather mabaril ako dahil nakipagsagutan ako sa kapwa motorista, o mabangga ako.
Wag naman sana! Sayang ang ganda! Chos! lols

Monday, March 7, 2011

Ayoko Sana Mag-blog

Ayoko sana i-blog to, pero ang bigat talaga sa loob.
Kanina, naghahanap ako ng movie na mapapanood dito sa office dahil super bagot na bagot ako.
Hanap dito, hanap dyan.
Nang, may nakita akong folder. "Celine's IDOL"
Akala ko naman kung ano, so binuksan ko. Yung full length pala namin nung college.
Pinanood ko.
Habang nanonood, bumibigat dibdib ko. Hindi dahil lumalaki boobs ko!
Kundi ang mga letseng ika nga ni Amor, "realization" eh pumapasok at kinakain ako.

Nakakainis na isipin na pinipilit ko yung sarili ko na gustuhin kung ano man ang ginagawa ko ngayon.
Samantalang, ang gusto ko talagang gawin eh Pelikula, Stage plays at kung anu-ano pa.
Nakakainggit lang kasi yung ibang kaibigan ko, ginagawa na nila kung anong gusto nila.
Samantalang ako, tengga dito sa malamig na office at chika to death ang ginagawa na kahit ako, hindi ko rin maintindihan kung bakit ko ba pinapakialaman ang North at South Korea!

Nakita kong pwedeng kausapin si Amor.

BUZZ!!!
kristine_bernal150824: mor
kristine_bernal150824: nakakainis
nikki_gunt: ket?
kristine_bernal150824: kc naghahanap ako ng mapapanood kanina
nikki_gunt: tapos?
kristine_bernal150824: nakita ko ung IDOL
kristine_bernal150824: meron pala akong copy nun
kristine_bernal150824: so, pinanood ko
kristine_bernal150824: naiyak ako after
kristine_bernal150824: namiss ko bigla
kristine_bernal150824: shet
kristine_bernal150824: eto ayaw ko eh!
nikki_gunt: hahaha
nikki_gunt: realization ba?
nikki_gunt: you're not living your dreams...
nikki_gunt: it happens to me all the time
kristine_bernal150824: nakakabigat lng ng loob
kristine_bernal150824: kc gus2 ko tlaga un
nikki_gunt: sobra
kristine_bernal150824: pero hndi ko naman magawa
nikki_gunt: naiintindihan kita
kristine_bernal150824: ang daming putang inang hadlang eh
nikki_gunt: me way girl
nikki_gunt: hahaha
nikki_gunt: relax
nikki_gunt: nagsisimula na nga tayo remember
nikki_gunt: ?
nikki_gunt: pagkatapos nito
nikki_gunt: gagawa tayo ng pelikula^^
nikki_gunt: sali tayo ng mga competitions
nikki_gunt: ^_^
nikki_gunt: mangyayari rin yan
nikki_gunt: pray lang ng pray^^
nikki_gunt: btw
nikki_gunt: formalized na
nikki_gunt: ang name ng t.comp is
nikki_gunt: The 4th Wall
nikki_gunt is typing...
nikki_gunt: ^_^
kristine_bernal150824: ok cge
kristine_bernal150824: ewan ko ba ni
kristine_bernal150824: nix
kristine_bernal150824: ang bigat tlaga sa loob
kristine_bernal150824: after mong marealize na ung ginagawa mo, hndi mo naman talaga gus2
kristine_bernal150824: pinipilit mo lng ung sarili mo na gus2hin
kristine_bernal150824: sheeeeettt

Salamat Amor, sa pagpapalakas ng loob ko.
Sana nga.
Well, hindi "sana"
Talagang magagawa natin to!
At gagawin natin to!

Wednesday, March 2, 2011

A big, big headache!

I thought, having a plastic money will be a very good idea.
At first, I was very excited to use it. Me and my friend (Mhinel) did some plans to use it.
During our first attempt to use it, we went to National Bookstore and bought some stuffs.
Of course, pocketbooks.
When it was done successfully, we went straight to SM Department store.
We shopped a lot!
Tried some clothes, picked up some make ups and necessities.
On our way to the cashier, we were so excited because of our purchases.

The mood changed when the supervisor of the said department store told me that I should call the bank first.
I got so shocked. Many things came to my mind. I wanted to shout when I called the bank.
Mhinel sent a text message to Jayr, my boyfriend, to inform him what's happening to us at that moment.
Jayr wanted to talk to me, but I refused. I was shaking out of anger and all I wanted to do is to shout.
But I know, that would be very unfair to those people in front of me. It's not their fault so why will I shower them swears and bad words?
The supervisor advised us that we could go out if we want and just come back if we are ready to pay for the things.
I was so humiliated and frustrated at that moment. You couldn't imagine. Mhinel said she saw the dragon in me.
Jayr said he will go to our place and pay for it.
He was very worried about me.
I tried to calm down myself by the use of a stick. You know what I mean.
After releasing my anger, me and Mhinel went to Pizza Hut to pig out.
I was about to cry, but I needed to be strong so I tried my very best not to.

When Jayr arrived, again, I wanted to cry.
Different emotions came rushing. He just hugged me and said, "It's okay. I'm already here."

After eating, we've decided to go back to the department store. On our way to the department store, he asked me, "Okay ka lang hon? Hindi mo ba sila tinarayan? Anong nararamdaman mo?"
I replied, "Wag kang mag-alala. Hindi ko sila tinarayan. Hindi na lang ako kumibo."
Because of my reply, he asked me again, "Napahiya ka ba?"
I said, "Hindi naman masyado."

So, summing it up, Jayr, once again became our SUPERHERO.
Saved us from harm and humiliation.
He is the man! Yeah!
Love you honey! yay...
I also want to give some credits to Mhinel for calming me down.
^.^

AND A PLACTIC CARD WILL GIVE YOU ALL THE HUMILIATION THAT YOU CAN RECEIVE AND HEADACHE THAT YOU CAN GET  ESPECIALLY IF IT DOESN'T HAVE THE SO CALLED "AVAILABLE BALANCE"...

 @Pizaa Hut trying to calm myself down


couldn't have a true and sincere smile


my gold plastic money.
lookin' forward to use it again...

Wednesday, February 23, 2011

Dreaming of my Own...

Eto na naman ako. Na-adik na naman ako sa pag browse at panonood ng Wedding SDEs.
Hindi ko alam kung anong meron sa kasal pero talagang hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi maiyak or maluha. Makapanood pa lang ng mga kinakasal, naiiyak na ko, what more pa pag ako na?!

I started to to imagine my own wedding.
Ang daming ideas.
Ang dami kong gustong gawin at mangyari.

Ang isang malaking tanong,
KELAN BA YAN?
Well, guys, kahit ako, hindi ko din alam kung kelan.

May mga times na gusto ko na.
Meron din naman na parang natatakot ako.
Pero iba kasing talaga pag mahal mo yung gusto mong pakasalan.
Parang kahit anong mangyari, sige na lang.
Yung tipong, bahala na! Bahala na si Bestfriend.

Anyway, ang alam ko lang, kelangan namin mag-ipon.
Kelangan namin maging ready.
Hindi na ko mag-aalinlangan pa.
No more second thoughts.
Wala na yung mga tanong na "paano kung???"
Erase, erase na!

Well, ang alam ko lang, masaya ako.
Ang alam ko lang, masaya kami.
Dun pa lang, kuntento na ako.
Alam ko nang SYA na.
I don't know how, I just knew it.

24th december 2010 @ sm mall of asia
7th year anniversary celebration

Thursday, February 17, 2011

My lovely pair.

It started since I was in University.
I love to collect high heeled ones.
Here's an example.

The Lovely pair is from MENDREZ.

The story behind this pair is funny.

January 31.
Last day ng payment namin for Metrobank credit card.
Naghabol kami ng bayad ni Mhinel sa  Metrobank na malapit sa amin.
Hindi kami nakaabot dahil hanggang 3pm lang pala. Grabe naman sa kaaga ang pagsasara ng bangkong yun!
So, pumunta ako sa SM mag-isa.
Nagkita kami ng kuya ko sa SM North Edsa para kunin ko sana yung whole payment nya.
It happened na hindi pa pala sya ready sa pambayad nya.
Nagalit ako. Halos magwala ako (ganyan kasi ako pag galit).
Sa huli, binigay ko sa kanya pati pambayad ko dahil nangako syang ihahabol sa araw ding yon.
Umuwi na ko. Super pagod ang pakiramdam at  latang lata.
Naglalakad na ko sa loob ng mall papunta sa terminal ng jeep ng mapadaan ako sa stall ng Mendrez. Tumaginting kaagad ang mata ko dahil nakita ko ang isang malaking karatula na SALE! 50% Off!
Hindi na ko nagpatumpik tumpik pa. Pumasok ako at nakiusyoso.
Tiningnan ko lahat ng sapatos na naka sale. Kinuhaan ko pa ng litrato kasi naisip ko na i-share ang good news kay Mhinel na isa ring shoe addict.

Pag uwi, bumungad kaagad si Mhinel na, "Oh, kamusta yung lakad mo? Naibayad ba?"
Sumama na naman ang mood ko. Chika ako kay Mhinel.
Nang biglang maalala ko yung mga sapatos.
Excited akong pinakita sa kanya ang mga natagpuan kong pwedeng isama sa koleksyon (hihihi).
Aba! Ang abnoy, nagustuhan din. Nag tantrums pa! Gusto daw nyang bilhin. Eh wala naman kaming anda that time. As in broke kami. Pero dahil kilala naman ako ng mga kaibigan ko na gumagawa ng paraan basta gusto ko, naisipan kong ialok kay mhinel ung natitirang laman ng atm ko.
Patay na! Kumagat sya. Kawawang atm.
It was a closed deal between Mhinel and my atm. Bow.

February 1.
Hinintay ako ng luka-luka. Excited pa sa may birthday.
Parang gusto ng liparin ang SM North. Nag-aalala baka wala na daw yung pair.
Well, ako din naman nag-aalala. Hindi ko lang pinapahalata.
Nag MRT na kami para mabilis. Pagbaba ng MRT, sa Trinoma na kami dumaan.
Itong si Mhinel, pinaikot ikot ako. Hindi na rin nya matandaan yung daan na papunta sa North.
Jusko! Nalintikan na. Sa kakaikot, naalala din nya.

Nakarating na kami ng SM.
Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa. Dumeretso na kaagad kami sa Mendrez.
Nagpaikit ikot kaming dalawa na parang mga baliw. Baliw sa kaligayahan dahil hindi namin alam kung alin ang bibilhin. Lahat ng sapatos, magaganda! Kung milyonarya lang kami, malamang, simot ang Mendrez.
Eh kaso, pasensya na. Hamak lang kaming purita. (lol) Isa lang ang kaya naming bilhin. 50% off pa nga eh!

Nakabili na kami ni Mhinel. Black sa kanya, brown sakin.
Nung una, gusto ko din ng black. Ito namang Mhinel na to, well maganda yung sinabi nya, may tama sya, na ibang kulay na lang daw sakin. Pwede naman daw kaming maghiraman or magpalitan. May tama sya! 
Lumabas kami ng Mendrez na ang lalaki ng ngiti.

Pauwi na kami, nakita namin si Shepoi na pakalat kalat sa SM.
Galing pala sya sa optical shop.
Nakaray namin sya ni Mhinel sa Celine naman.
Oh diba? Hindi kami addict sa sapatos? lol
Ang daming magaganda. Naglalakihan ang mata namin ni Mhinel! Sukat dito, sukat doon.
May panghihinayang dahil mas mapapamura sana kami sa Celine, pero masaya na kami dahil maganda naman talaga yung nabili namin.

Dahil wala na nga kaming pera, nag decide kami na balikan na lang ung Celine shoes na bet namin.
Pagdating sa bahay, super sukat ako. Ang saya!
Kaya ang pramis namin ni mhinel, kahit paminsan minsan, susubukan naming bumili ng sapatos na maganda. ^.^















 
me and mhinel inside the shop.

Tuesday, February 8, 2011

Diet, Diet, Diet, Die!

Since last year, I started to be depressed.
I gained weight (sucks!) I don't know how did it happen. I just enjoyed eating since then.
My girlfriends warned me to take care of my weight and figure because according to them, I will gain a lot of weight if I will continue to do the things that I'm used to which are eating, sleeping, drinking, and smoking.

Right now, I want to kill them. Honestly. I don't know why. I feel like they are some kind of "fortune tellers."
Arrggghhh... Before, I was kinda braggart and bashing them because I only weighed 98 pounds. But now, it's an alarming 115 lbs! More to go, and I can fight Pacquiao! (lol)

I now realized I should have listened. Haaayyy, now, all I can do is to be more serious about dieting.
I hope I could do it rightly this time.

And one more thing...
= = => I don't want to see and hear the very famous "I TOLD YOU SO" dance.

Sunday, February 6, 2011

End of Petiks Mode

Tapos na ang bakasyon ko.
Parang wala ring nangyaring bakasyon.
Sa limang araw na dapat sana ay pahinga, trabaho parin ang inatupag ko; namin.
Sabagay, para din naman sa ikabubuti namin ito.

Makatakas na sa mundong ayaw na namin.
Magawa ang mga bagay na walang hihindi.
Hawak ang oras at walang sisikil.

Sa loob ng limang araw, namiss ko ang mga estudyante ko.
Hindi ko na nga sila halos tinuturing na estudyante.
Para na silang mga kamag-anak ko.
Pamangkin, pinsan, ate, kuya.
Ang kaibahan lang, ang tawag nila sa akin, "teacher"
Sinasabihan ko sila na wag na akong tawaging ganun dahil feeling ko tumatanda ako, pero dahil likas na yata sa kanila ang kagalangan, wala akong magawa.
Pag naiisip kong malapit na akong umalis,
malapit na akong magpaalam,
parang ayoko.
Pero alam kong kelangan kong mag move on.

Going back, sa loob ng limang araw, marami din naman na-achieve.
DTI, Hanap pwesto sa Antipolo, at sa iba pang lugar.
Nag decide kami na mag focus na lang muna sa Mandaluyong tutal stable na doon.
Hindi na masyadong mahihirapan.
Humanap kami ng pwesto.
Hala! Lakad dito, lakad dun.
Drive dito, drive dun.
Kahit masakit na ang paa ko, hindi ako pwedeng magreklamo.
Baka sakalin ako ni jayr.

Kelan kaya ako magkakaroon ng araw na walang gigising sakin at magsasabing,
"Bangon na! Papasok ka na!"
Kelan kaya... Kelan kaya...
Sa palagay ko, pangarap na lang yun.
Unless tatanggapin kong PAL ako.
Miss ko na agad ang kama ko.
Tulog, tulog!
Sigaw ng katawan ko.

Tuesday, February 1, 2011

Bakasyon.

'Pag may pasok, antok na antok ako.
Parang ayoko nang bumangon.
Gusto ko na lang mahiga maghapon at matulog.

Pero bakit ganon?
Ngayong wala akong pasok, ang aga ko pa rin nagising!
Lintik na...
Alas siyete pa lng, gising na ko..
Tsk tsk tsk...

Muntik pa akong gisingin ni Karla nang napakaaga.
Kinabahan daw sya bakit 5am na, nakahiga pa ako.
Buti na lang, naalala kagad nya na wala akong pasok ngayon.
Kung nagkataong nagising nya ako,
ano kaya gagawin ko sa kanya?

Dahil wala akong magawa, 
nanood na lng ako ng Korean drama na dinownload ko sa office.
1% of Anything
I know, medyo old school na yung drama
still, nag effort ako na idownload lahat ng episodes.

After manood ng Korean drama,
naisipan ko namang mag foot spa.
Hala sige!
Kuskos dito, kuskos dyan.
Sumasakit na ang likod ko.
 Pagkatapos mag foot spa, hindi pa rin nakuntento.
Tutal naman wala akong hinahabol na oras
naisipan kong mag pedicure.
Kelangan maganda yung kyutiks ko! (kyutiks??!)
Kelangan bumagay sa sandals ko (hehehe!)
Magkikita kami ni mhinel sa office
Sya uuwi sa quezon...
Ako, pupunta sa faura...

As of this writing, okay naman ang araw ko, medyo productive naman.
Nag-eenjoy...
Pero ngayon ko nararamdaman ang A-N-T-O-K.
zzzZZZzzzZZZzzzzZZZZzzzzz... 

Monday, January 31, 2011

Nawala ka man, masaya pa rin ako...

Na-late ako ng 9minutes.
Nawala na yung PAI ko.
Sabagay, unang araw naman ng buwan, Pebrero, kaya wala pang effort masyado.

Nung una, natensyon ako.
Kinabahan.
Inisip ko nang bumaba sa bus ng pumatak sa 4:45 ang orasan ko.
Nanghihinayang ako.
Kasi isang buong buwan ang mawawalang saysay.
Nainis ako sa pangyayari.

Bakit ba ang aga aga, trafiic sa Cubao?
Ano bang meron?
Mahirap pa naman bumaba dahil "Cubao Ilalim" ang sinasakyang kong bus.
Anong gagawin ko?

Nag-text na ko kay Helen (manager namin sa office)
Sabi ko, "Male-late po ako. Traffic dito sa Cubao."
Nag-reply naman, "Cge."

Nakita ko sa kanan ng high-way, nakatigil ang mga malalaking truck.
Parang gusto kong magmura.
"GAWIN BA NAMANG PARKING LOT?"
Yang kagad ang nagsusumigaw na statement ko.

Nung nakalampas na kami, si manong kundoktor at manong driver, mejo binagalan pa yung bus.
Naki syete( usyoso) pa!
Lintik na...

Nung tiningnan ko na yung nangyari, nanghina ako sa nakita ko.
Yung hinabol kong bus sa Tandang Sora, (na hindi ko naabutan) natumba!
Kabanggaan nya ang isang trak ng gasolina.
Kinilabutan ako.
Kung nahabol ko pala yung bus na yun, nandun din sana ako...
Nasaktan, naipit, at naabala.

Nakatulala ako hanggang sa makababa sa Buendia.
Habang naglalakad papuntang office, na-realize ko kung ano yung nangyari.

Kaya kahit na nawala yung PAI ko, masaya na ko.
Hindi ako nasaktan; na-late lang ako.

Bottomline:
Lesson learned:

Napakalaki ng magagawa ng isang maiksing panalangin kay BESTFRIEND!

Salamat kay Bestfriend...

Thursday, January 27, 2011

Nausog Daw Ako

Sumakit ang tyan ko.
As in masakit.
Binalak kong mag under-time
Pero sabi sakin, pag nag under-time daw, mawawala na yung pinaka iingatan kong PAI
ang PAI na inalagaan ko sa isang buong buwan.
Nag taxi, nagising ng maaga, nakipagpatintero sa Commonwealth makasakay lang sa mabilis na bus...
Tapos dahil sa sakit ng tyan, mawawala na ang lahat ng hirap ko???

Nag decide ako, hindi ako mag-a-under-time!
Magtitiis ako!
Lahat ginawa ko.
Nag lock sa cr para walang magreklamo if ever,
Uminom ng mainit na tubig,
Waepek! Masakit pa rin.
So, bumaba ako sa canteen para bumili ng pagkain.
Naisip ko kasi na baka gutom lang.
Nakita ako ng mga ate sa canteen.
Bakit daw ako namumutla.
Sabi ko naman, "Ganyan talaga 'te 'pag maputi." (nakuha pang magbiro ng lintik!)
Kumirot si "tyan".
Hinawakan ko, minasahe, at pinisil pisil.
Sabi ni ate, "Anong nangyari sa'yo Ma'am? Masakit na naman tyan mo?"
Syempre hindi ko na kelangan magpanggap pa kasi lagi naman akong sinasakitan ng tyan (pero iba this time, pramis!)
So sabi ko, "Opo. Kanina pang umaga."
Sabi ni ate, "Baka naman gutom lang kayo ma'am. Na try nyo na bang mag cr?"
Ako naman, napaisip..."Najejebs ba ako?" (sa isip ko lng)
Sagot ko kay ate, "Opo ate. Pero hindi naman nawala eh."
Ate, "Baka naman Ma'am nausog kayo."

Aba, aba, aba! Bigla akong kinilabutan...
Lagi ko kasing pambiro yun sa mga kaibigan ko... Carmy Martin, is that you??? 
What took you so long na dumapo ka sakin ngayon lang?

Eh di napaisip na naman ako...
Pano mangyayari yun?
Si ate ulit, "Sino ba ma'am una mong nakita kaninang umaga?"
Sagot ko, "Yung mga kasakay ko sa jeep at sa bus."
Hindi ko alam kung pabiro yung pagkakasabi ko kasi tumawa si ate.
Si ate ulit, "Yung una nyong nakausap o naka-encounter?"
Ako naman, si isip...

MGA NAKAUSAP KO NOONG UMAGA:
1. Adelnica Amor Reyes Izon
- Patay ka Amor! Isa ka sa suspek...
Ginising ako ni Amor kc pinatay ko lang ung alarm ko. Nag prepare ako pagpasok at nagpaalam ako sa kanya. Sabi pa nga nya, "Ingat ka."
Ayun na Amor! Paktay!

2. Yung lalaking nag-abot ng bayad ko sa jeep.
- Kawawa naman si kuya. Nagmagandang loob na nga lang, naging suspek pa.
Pero ganyan talaga ang buhay. Sorry kuya! (with matching sweet smile)

3. Si manong inspektor ng bus.
- Si manong  na atat mag check. Nakita na nga nyang kasasakay ko lang, hinahanapan na kagad ako ng ticket. Eh di sinabi ko, wala pa akong ticket dahil kasasakay ko lang. Ayun! Nagkausap nga kami. Sorry ka manong... Dahil sa pagiging atat mo, suspek ka ngayon sa salang pang-uusog!

4. Si manong kundoktor.
- Actually, hindi naman kami halos nagkaharapan ni manong. Kasi nung inabot ko ung bayad ko sa kanya, hindi sya nakatingin. Nakatingin sya sa ticket. Pero sabi nga ni Ate Gem "naka-encounter", kasali sya.

5. Si manong magtataho sa Buendia.
- Lagi kong nadadaan si manong taho. Dati nga, lagi akong bumubili. Kanina, napabili ako.
Kasi hindi naman ako kumain kagabi. Kaya gutom  ako.
So, bili. 10 pesos. Medyo mahal. Pero okay lang. Nag request pa ko ng dagdag arnibal.

...Habang naglalakad pa-ofis, iniinom ko na ang taho ko.
Pagkatapos kong uminom, pumasok na ko sa building.
Pag-akyat sa taas, nakaramdam na ko ng sakit ng tyan.
Feeling ko naman nung una, nainitan lang yung sikmura ko.
Aba! Hindi na ko sanay sa pagkain. (lol)


Ayan ang kasaysayan... Alin kaya at sino ang may sala?

Balik tayo sa pagtitiis ko ngayon sa office.
Kanina ko pang umaga binabalak magsulat. Ang dami kong naiisip, hindi ko namam mabuo.
Kundi pa sasakit ang tyan, di ko pa magagawa 'to.

Ngayon, medyo okay na ang kalagayan ng tyanabels ko.
Kumikirot kirot na lang.
Ang gamot...
Chanan!!!
Aceiti de Manzanilla ni Ate Ann!
Epektib! Garantisado. 
Salamat sa'yo Ate Ann na pinanganak yatang girl scout.

...Ngayon, iniisip ko kung nausog ba talaga ako???

O baka naman kinabag lang...
Jusko ha! Lagi na lang.
Napapansin ko medyo paborito ako ni kabag these days ha!

O ayan tapos na tong blog ko.
Ewan ko kung blog ba 'to o ginawa ko lang to para maaliw at mawala sa isip ang sakit ng tyan.
Basta. Okay na ko. Okay na. Okay na.
Buo parin ang PAI ko! Yipeeeee!!!! 
gamot sa kabag.
aceiti de manzanilla

Tuesday, January 25, 2011

Sean, the cutest little boy in the universe!

8:40 Korean time

Teacher waiting for her student to pick up the phone. (ring, ring, and ring)

...suddenly, the line got connected.
The teacher thought she dialed a wrong number (AGAIN?!?) because the one who answered was a little boy.

Little boy: Yoboseyo?
Teacher: (hesitant) Hi, good morning.
Little boy: Ne.
Teacher: Is this Kim Young Gu's phone?
Little boy: Ye, he is my dad. (he's calling his dad) Oppa! Oppa! 

...after a few moments, the REAL student answered.

Student: Good morning! 
Teacher: Yes, good morning. Who's that little boy who answered the phone?
Student: He's my eldest son.
Teacher: Ah, what is his name?
Student: His English name is Sean.
Teacher: Sean sounds really cute!
Student: Thank you.


That's the story of my first encounter with Sean. The cutest little boy in the universe.
After that incident, he's the one who answers my call everyday.

Wanna take a look at his picture?
You'll agree with me that he is the cutest boy in the world and in the universe...


Sean, wearing the black kimono, with his cousin...

my starting point...


This is my first time to write a blog, actually.
I am not a fan of blogs and writing... Honestly, I HATE IT! 

Early this morning, I got a buzz from a good friend...
Nikki... Adelnica Amor Reyes Izon. 
For us, she's Nikki, Amor, Nikita
For other people she's
* Ate Amor
* Adelina (lol!!!)
She told me to check out her blogs.
I was kinda hesitant because as I've told you, I'm not a fan of this blog, blogger, blogging thing.
Anyway, for the sake of friendship, I did it.
I found it fun and amusing! The sole reason is that, I saw our pictures when we indulged ourselves @ Mr. Kimbab.
(A big thanks to Mr. Kimbab and of course, the  beautiful owner hihihi! )
Anyway Nikki, thank you for sharing me this one.
And I hope,

= = = >TAMAAN AKO NG KAGALINGAN AT MAGING MASIPAG NA KO SA PAGSUSULAT! 



 ramyeon, gimbap, togpoki, kimchi, and katsudon (for mhinel)
 


 margy, cesa, mhinel and me! ^.^
 in loving memories of nikki (lol) she's the one who took this pic.




me and nikki",)



 what's that nikki? (Nikki Beeeeee! lol)




after a sumptuous meal... let's smile!




 the whole gang!






 P.S.


-missin' ramyeon soooo much!